Pagbabago ng isang sawsawera
27 July 2016
Nakagawian na ni Mercy ang magbasa ng mga status na dumadaan sa kanyang newsfeed, at makisawsaw sa mga issue. May pagka tsismosa siya kaya mga away sa Facebook ang kanyang pinag-uukulan ng pansin. Basta may mabasa siyang hindi maganda ay nagcocomment siya, lalo na kung kilala ang mga pinatutungkulan. Kinukunan niya ng screen shot at pinapadala para makuha ang reaction ng pinatatamaan. Tuwang tuwa siya kapag nagsasagutan na sila sa kani-kanilang wall, Kapag hindi nakontento ay naglalagay siya ng comment na nakakainsulto, kaya naiinis ang ibang nakakabasa nito. Imbes na pagsabihan ang mga nag-aaway sa facebook dahil baka malaman ng kanilang pamilya sa Pilipinas ay pinapainit pa niya ang usapan. Medyo napaisip siya minsan nang may mabasa siyang status na parang patama sa kanya, na ganito ang pagkasabi, "Huwag makisawsaw kung hindi alam ang puno't dulo ng usapan". Napahinto siya at napaisip na parang siya ang pinatutungkulan dahil ganun siya, laging nakikisawsaw sa post ng iba. Mula noon pinipigil na niya ang sarili na magcomment ng di maganda,. Nagbabasa na lamang siya ng mga nakaka-inspire na mga kwento sa kanyang newsfeed. Napagtanto niya mas maganda pala sa pakiramdam kung puro inspiring ang nababasa. Nagkakaroon pa siya ng panahon para magbasa ng tunay na balita at hindi puro chika lang. Si Mercy ay isang Ilokana na tubong Mindanao at kasalukuyang naninilbihan sa Saikung. - Marites Palma