Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nagsisi

01 June 2016

Akala ni Alice ay hindi na sila magkakausap pa ng kanyang matalik na kaibigan pagkatapos ng away nila sa Facebook dahil magkaiba ang kandidato  na kanilang sinuportahan sa katatapos na halalan. Nalungkot si Alice dahil nag-iba ang pag-uugali ng kaibigan. Naging brutal ito sa pananalita at naging palamura pa. Hinayaan lamang niya ang kaibigan, at tumahimik na lang. Hindi na niya ito sinabayan sa mga lakad tuwing araw ng pahinga, at hindi sila nag-imikan ng ilang linggo hanggang natapos ang halalan. Natalo ang sinuportahan ni Alice kaya naging mas mapagmataas sa FB ang kaibigan. Ngunit isang araw ay hindi inaasahang nagpang-abot sila sa dati nilang tambayan kung saan sila kumakain tuwing araw ng suweldo. Hindi nila napigilang magngitian, sabay sabi ng "baliw", at tuluyan nang nagkayapan. Tapos na ang pulitika sabi ng isa, at hindi yun ang dahilan upang masira ang matagal na nating pagkakaibigan. Pasensya ka na ha sabi ni Alice sa kaibigan kung bakit dumistansya ako sa iyo, ayaw ko kasi ng away, alam mo naman tahimik akong tao. Sagot ng isa, ako nga dapat humingi ng paumanhin sa iyo kasi masyado akong nagpadala sa aking emosyon sa paghahangad ng pagbabago sa ating gobyerno pero napag-isip isip ko na tayo pala ang talo dahil puro trapo din ang napipisil na italaga ng papasok na pangulo sa kanyang gabinete. Tama na ang drama, sagot naman ni Alice, mag-order ka na at ikaw ang taya dahil nanalo ang pangulo mo, bago sabay na nagtawanan ang dalawa. Si Alice at ang kaibigan ay parehong tubong Cagayan Valley at matagal ng naninilbihan bilang kasambahay sa mga among taga New Territories. -- Marites Palma


Don't Miss