Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Jaclyn Jose best actress sa Cannes

01 June 2016

Ipinagbunyi ng Pilipinas ang pagwawagi ni Jaclyn Jose bilang best actress sa prestihiyosong Cannes Film Festival para sa pelikulang Ma’ Rosa ng batikang director na si Brillante Mendoza. Si Jaclyn ang kauna-unahang Pilipino na nagwagi ng acting award dito, at tinalo niya ang mga sikat na Hollywood actresses na sina Marion Cotillard at Charlize Theron.
Naging madamdamin ang pagtanggap niya ng award nang hilahin niya upang isama sa stage ang kanyang anak na si Andi Eigenmann, na kasama rin niya sa Ma’ Rosa. "I’m at a loss for words! I am so surprised and moved. Thank you from the bottom of my heart to all the jury members. I thank the director Brillante Mendoza, whose instructions I simply followed,. He’s a brilliant director, a genius. I am so happy you liked the film. I’d like to salute the Philippine people,", ang sabi ni Jaclyn.

Sinabi pa ng aktres na hindi raw siya nagpaka-stage mother nang isama niya ng kanyang anak, at hindi daw niya ibinebenta si Andi sa mga foreign producers na nasa audience. Gusto lang daw niyang i-share ang kanyang special moment kay Andi. Kailangan din nya ng moral support dahil nanginginig siya habang nasa stage, pero nang hawakan niya ang kamay ng anak ay nakapagsalita siya ng maayos dahil nabigyan siya ng lakas nito. Tinanggap daw niya ang Ma’ Rosa upang mabigyan ng tsansa si Andi na maka-attend ng film festival na gaya ng Cannes. Gusto daw niyang ibigay sa anak ang mga naging karanasan niya sa pagdalo sa mga ganitong okasyon.
Ang iba pang nanalo sa Cannes sa taong ito: best picture (Palme d’Or) – I, Daniel Blake, Grand Prix – It’s Only the End of The World, Jury Prize – American Honey; best actor – Shahab Hosseini (The Salesman); best directors: Cristian Mungiu (Graduation) at Olivier Assayas (Personal Shopper).
Nang bumalik ang kanilang grupo sa Pilipinas noong May 24 ay sumabak na agad sa trabaho si Jaclyn. Matapos siyang magpaunlak sa mga sumalubong sa kanya sa airport ay tumuloy siya sa presscon ng kanyang bagong Kapuso TV series na “A1 Ko Sa ‘Yo”. Kinabukasan ay binigyan siya ng munting salu-salo nga kanyang mga kasamahan sa “A Millionaire’s Wife”. Kasama ding binigyan ng cake na may “Congratulations” ang isa pa nilang kasamahan na si Sid Lucero na nanalo ring best actor sa Los Angeles Comedy Festival para sa pelikulang “Toto”, na nanalo ring best foreign film.
Ang Ma’ Rosa ay balak isali sa Metro Film Festival sa December, at kung sakali itong mapiling kalahok, halos nakatitiyak nang panalo ulit si Jaclyn bilang best actress.


SOLENN, BONGGA ANG KASAL
Isang masayang pagtitipon ang kasal ng Kapuso star na si Solenn Heussaff  kay Nico Bolzico, isang Argentinian businessman na limang taon na niyang karelasyon. Ginanap ang kanilang kasal sa Eglise Notre Dame sa Combourg, France noong May 21. Sinaksihan ito ng pamilya ni Solenn, kabilang na ang kanyang ama na isang French, ang kanyang ina na isang Filipina at mga kapatid. Naroon din ang barkada ni Solenn na tinaguriang mga IT girls na binubuo nina Georgina Wilson, Anne Curtis, Liz Uy, at Isabelle Diaz, kasama ang kani-kanilang mga kapartner.
Simple pero elegante ang wedding gown ni Solenn, na gawa ni Lihi Tod na isang Israeli designer. Ang suot ng mga bridesmaids at maging mga guests ay pawang pastel shades at earth tones, at walang mga makikintab na ornaments.
Sunud sunod nang nagpapakasal ang mga IT girls. Nauna si Georgina na nagpakasal sa England sa isang Briton na si Arthur Burnand. Pagkatapos ni Solenn, si Isabelle naman ang nakatakdang ikasal sa Italy sa kanyang French boyfriend na si Adrien Semblat bago matapos ang taong ito. Si Anne ay baka magpakasal na rin kay Erwan Heusaff na kapatid ni Solenn, dahil matagal na rin ang kanilang relasyon.
Dumalo rin sa kasal sina Tim Yap, Rajo Laurel, Carla Humpries, at mga kaibigan ni Solenn na pawang mina-manage ni Leo Dominguez na sina Lovi Poe, Paulo Avelino at Bianca King. Naroon din ang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith, kasama ang bagong boyfriend na si Jeff Ortega.Tila hindi nakadalo ang isa pang barkada nina Solenn na si Raymond Gutierrez. Magpapakasal muli sa Pilipinas sina Solenn at Nico na gaganapin naman sa San Antonio Parish sa Forbes Park sa Makati.

39th URIAN AWARDS NOMINEES
Pinangungunahan ni John Lloyd Cruz ang mga nominado sa 39th Gawad Urian Awards na gaganapin sa June 21 sa Kia Theatre. Nominado bilang best actor si John Lloyd para sa pelikulang “Honor Thy Father” at “A Second Chance”. Ipinagdarasal daw niya na sana ay manalo siya sa Urian dahil ito ay matagal na nilang pangarap ng kanyang ina
Ang beteranong aktor na si Lou Veloso ay nominado rin bilang best actor ( Da Dog Show) at best supporting actor ( Taklub), samantalang si Alessandra de Rossi ay nominado bilang best actress (Bambanti) at sa best music (Water Lemon)
Ang iba pang mga nominado:
Best Actress: Nora Aunor ( Taklub ), Angeli Bayani ( Iisa ), Mercedes Cabral ( Da Dog Show), Alessandra de Rossi ( Bambanti), Anika Dlonius ( Apocalypse Child), Jennylyn Mercado ( Walang Forever), Ces Quesada ( Imbisibol), LJ Reyes (Anino sa Likod ng Buwan) .
Best Actor: Luis Alandy ( Anino sa Likod ng Buwan), John Arcila ( Heneral Luna), John Lloyd Cruz ( Honor Thy Father at A Second Chance ), Ricky Davao ( Dayang Asu), Anthony Falcon(Anino sa Likod ng Buwan) , Sid Lucero  (Apocalypse Child) , Junjun Quintana ( Water Lemon), Jericho Rosales (Walang Forever), Dennis Trillo ( Felix Manalo), Lou Veloso (Da Dog Show), Francisco Guinto ( ARI: My Life with a King)
Best Supporting Actor: Julio Diaz ( Taklub), Lou Veloso  ( Taklub), Tirso Cruz III (Honor Thy Father), JM De Guzman (Imbisibol), Bernardo Bernardo ( Imbisibol),
Micko Laurente ( Bambanti), RK Bagatsing ( Apocalypse Child), Alion Ibanez (Da Dog Show)
Best Supporting Actress: Rio Locsin ( Iisa), Anna Abad Santos (Apocalypse Child),  Gwen Zamora (Apocalypse Child), Mylene Dizon ( Heneral Luna), Tessie Tomas (Water Lemon), Liza Dino ( Toto), Cecil Yumol (ARI: My Life with a King).
Best Film: “Anino sa Likod ng Buwan”, “Ari”, “Bambanti”, “Da Dog Show”, “Heneral Luna”, “Honor Thy Father”, “Imbisibol”, “Taklub”, “ARI: My Life with a King”
Director: Ralston Jover ( Da Dog Show ), Jerrold Tarog ( Heneral Luna), Brilliante Mendoza (Taklub), Jun Lana (Anino sa Likod ng Buwan), Erik Matti (Honor Thy Father), Lawrence Fajardo (Imbisibol), Carlo Enciso Catu (Bambanti), Zig Madamba Dulay (Apocalypse Child), Mario Cornejo (Balikbayan #1: Memories of Overdevelopment), Kidlat Tahimik ( Redux III)
Special Award: Natatanging Gawad Urian Award: Mr. Romy Vitug

LOTLOT, BALAK NANG MAGPAKASAL
Balak nang magpakasal ni Lotlot de Leon sa kanyang Lebanese boyfriend na si Fred El Soury. Ayon sa aktres, “Maikli lang ang buhay. Stop the hate. Dapat lahat tayo ay nagmamahalan. Kapag may pagkakataon kayong magmahal, magmahal kayo nang magmahal. Walang masama doon.
Noong  2008 nagkahiwalay sina Lotlot at asawang si Ramon Christopher Gutierrez, matapos ang halos 19 taon nilang pagsasama. Sila ay may apat na anak: sina Janine, Maxine, Jessica at Diego Gutierrez, na mga dalaga’t binata na. Tila wala namang magiging problema si Lotlot sa mga anak dahil tanggap na nila ang kanyang boyfriend.
Ayon sa panganay niyang anak na si Janine Gutierrez, masaya silang magkakapatid para sa kanilang ina, kahit na noong una ay nagseselos daw sila na may bagong tao sa buhay nila dahil nasanay sila na sila-sila lang ang magkakasama. Gusto rin nilang protektahan at manigurado na okay ang taong ito para sa kanilang ina. Pero nang makilala nila ito ng husto ay napapayag sila dahil mabait at maalaga si Fred. Masaya na rin daw siya dahil alam niyang may magbabantay sa kanilang ina.
Kapwa abala sina Lotlot at Janine sa kani-kanilang projects sa GMA Network. Napapanood si Janine sa “Once Again”, katambal si Aljur Abrenica, samantalang si Lotlot ay gumaganap bilang ina ni Heart Evangelista sa sexy romantic comedy na Juan Happy Love Story.

VICKI AT HAYDEN, MAY BABY NA
Marami ang nagulat nang biglang inilabas ni Hayden Kho ang mga larawan ng isang cute na baby na ipinakilala niya sa Facebook bilang si Scarlet Snow, na anak daw nila ni Dr. Vicki Belo. Lingid sa kaalaman ng publiko, noong nakaraang taon pa ito bininyagan, pero ayaw muna nila itong ilantad.
Bago inamin ni Hayden ito, marami na ang nakapansin sa larawan ng baby sa mga billboard ng Belo products. Ayon kay Hayden, isinilang ang kanilang anak sa pamamagitan ng isang surrogate mother sa Amerika, pero anak nila ito ni Vicki.
Sinabi ni Vicki na na tama lang na magkaroon na sila ng anak dahil may pera siya at marami siyang oras.
Si Hayden ay napakahusay ding ama dahil matiyaga itong mag-alaga. Mas lalo din daw tumibay ang kanilang pagsasama ngayon dahil kay Scarlet, na kamukhang kamukha ng ama.
Don't Miss