Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Epekto ng sobrang pag-FB

19 June 2016

Karamihan sa mga Pinay dito sa Hong Kong ay laging nasa FB. Sa bawa’t pagkakataon na makasingit kahit sa oras ng trabaho ay tiyak na sisilip para mag check ng kanilang notification. Ang iba ay inaabot din ng magdamag sa pakikipag chat. Isa na rito si Maria na halos lahat yata ng laman ng kanyang damdamin ay nailagay na sa Facebook status niya. Bawa’t lugar na puntahan, bawa’t kain sa isang restawran, tiyak may selfie na ipo-post. Kung minsan nga ay kahit bagong gising ay may selfie at status na “woke up like this”. Kahit mga lumang larawan niya na naipost na noon, babalikan muli para sa kanyang “throwback Thursday” post. Malungkot man o masaya, tiyak na ang mga friends niya sa FB ay malalaman ito. Kahit ang kanyang mga opinyon sa pulitika man o sa pangkaraniwang isyu ay tiyak na may kuro kuro siyang maihahatid sa kanyang status. Kung minsan ay nagiging dahilan ito para magkaroon ng isang pagtatalo o diskusyon sa pagitan ng mga nakababasa ng kanyang status at may pagkakataon din na napagsasalitaan siya ng hindi niya gusto. Siguro nga na sa panahon ngayon, napakasensitibo ng paksa tungkol sa pulitika. Maraming naging kagalit si Maria dahil dito. Ang iba naman sa kanyang mga kaibigan ay nagwawalang kibo na lang dahil para sa kanila ay hindi na dapat mag-aksaya ng panahon para makipagtalo sa kanya dahil na rin sa ipipilit lang din ni Maria ang kanyang paniniwala, maging ito man ay baluktot o walang katuturan. Kung minsan kasi ay dinadaan ni Maria sa tapang ng pananalita ang kanyang opinyon at hindi base sa katotohanang isyu at madalas na haka-haka lamang, Gayunpaman, tuloy pa rin ang kanyang pagpapa-viral sa FB at ano man ang maging comment ng kanyang mga kaibigan sa kanyang mga post ay di niya alintana. Ang mahalaga ay nai-post daw niya ang gusto niya at walang pakialam ang sino man kung ano man ang gusto niyang sabihin sa fb wall niya. Madalas man siyang mahuli ng kanyang amo na nakatutok sa kanyang cellphone ay tuloy pa rin ang pagka-addict niya sa FB kaya hindi na magtataka ang mga kakilala niya kung sakaling mawalan siya ng trabaho nang dahil dito. --Jo Campos 


Don't Miss