Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Covers the period May 15-31

14 May 2016


UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Malaking tulong ang ibibigay ng mga kaibigan. Sari-saring bagay ang nakaumang sa trabaho, mag-ingat sa kilos at salita. Iwasan ding pumasok sa mga delikadong bagay dahil mabigat ang kapalit nito. Panghihina ng katawan ang mararanasan. Pag-isipang mabuti ang gagawing desisyon o pagpili. Ipagpaliban muna ito kung kinakailangan, upang lumamig ng kaunti ang sitwasyon. Lucky numbers: 7, 15, 26 at 40.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Magulo ang isip sa linggong ito, hindi mo alam kung saan at alin ang uunahin mong gawin. May mga bagong relasyong mabubuo, pero hindi ito magtatagal. Mag-ingat sa mga gastusin dahil malaking problema ang haharapin kung maubusan ka ng pera. Malapit ka sa aksidente sa panahong ito na maaring magdulot ng mga sugat. Mag-ingat sa mga galaw mo at itago ang mga bagay na delikado, upang hindi maabot ng mga bata. Lucky numbers: 20, 25, 33 at 45.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Ang determinasyon at sipag ang magtutulak sa iyong umpisahan na ang malaking proyekto. Iwasang magmali ng akala, tiyaking tama ang pagkaintindi mo, upang hindi masaktan o mapahiya. Upang maiwasan ang problema sa pandinig, protektahan ang mga tenga sa labis na ingay. Masaya ang samahan sa mga kaibigan. Umiwas munang sumugal o bumili ng bahay at lupa dahil hindi maswerte ngayon. Lucky numbers: 22, 28, 30 at 35.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Maganda ang kalusugan ngayon kung walang mga pamamaga sa katawan. Iwasang masanay sa luho sa materyal na bagay dahil baka makagawa ng mga bagay na pagsisisihan mo. Sa kabila ng hirap na dinaranas ngayon, pag-ibayuhin ang pagtitiyaga dahil walang imposible kapag ito ang pinairal. May mga bagay na mababago sa pribadong buhay. Ang pagiging mailap at subsob sa gawain ang nagiging hadlang sa iyong kaligayahan. Lucky numbers: 2, 9, 18 at 33.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Mag-ingat sa mga kilos at desisyon na hindi pinag-iisipang mabuti. May magandang transaksyon kang maaayos, at kikita ka ng malaki. Maging handa at samantalahin ang hindi inaasahang okasyon na magaganap sa trabaho. Siguradong magiging masaya at hindi ito malilimutan. Ang pamamasyal at paglalakbay ay magbibigay sa iyo ng panibagong lakas at sigla. Lucky numbers: 16,21,37 at 44.
 39.
BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
May mga kaaya-ayang bagay na mangyayari sa linggong ito: magandang sorpresa, masayang balita, umpisa ng bagong pagkakaibigan, bagong kaalaman at ideya, at maraming iba pa. Pigilan ang sarili na ipilit ang gusto, lalo na kung salungat ito sa nais ng nakararami. Ingatan ang problema sa ngipin at tenga. Malaki ang tsansang madagdagan ang iyong kita, at unti-unti na ring magbabago ang kalagayan sa pananalapi. Lucky numbers: 3, 29, 31 at 42.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Hindi inaasahan at sobrang hirap sa trabaho ang mararanasan, pero tiyaga lang at unti-unting mababago rin ang sitwasyon. Sensitibo ang mata ngayon, protektahan ito sa mga nakakasilaw na liwanag. Dahil matalas ang pakiramdam mo, hindi magtatagumpay ang masamang balak laban sa iyo. Mahaharap sa mahirap na sitwasyon kung hindi ka magpapaliwanag sa kalmado at maayos at sa paraan. Lucky numbers: 7, 14, 16 at 36.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Magpapakita ka ng husay at diplomasya kaya makukuha mo ang importanteng trabaho ng walang hirap. Kung kailangan ng pera, huwag mangutang at subukang singilin muna ang mga taong may utang sa iyo. Kung gusto mong mag-iba ng trabaho o direksyon sa buhay upang umasenso, kakayanin mo ito. Ang mga hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman ay maaring nasa isip mo lamang. Lucky numbers: 11, 14, 23 at 45.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Maraming oportunidad ang darating sa iyo sa linggong ito. Madalas kang napapaaway sa mga malapit mong kamag-anak, kaibigan at katrabaho dahil lang sa maliliit na bagay, na hindi naman dapat problemahin. Iwasan ang mga stimulants gaya ng kape, alak at sigarilyo para hindi masyadong nerbiyusin. Sa trabaho, gawin ang trabaho ng walang ingay. Huwag sisihin ang sarili kung nakabili ng mamahaling bagay, lalo na kung hindi naman ito madalas gawin. Lucky numbers: 15,29,33 at 46.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Isang nakakapagod na linggo ang mararanasan dahil sa hindi inaasahang paglalakbay. Kailangang maging handa sa mabilis na pagbabago sa iyong sitwasyon. Apektado ang relasyon sa malalapit sa iyo dahil sa tensyon na nararanasan mo. Iwasang maging masungit at magselos. Kung mahal mo ang isang tao pero naguguluhan ka, ngayon ay mas makakasigurado ka na sa totoong nararamdaman mo at ng taong ito, kaya makakapagpasiya ka na. Lucky numbers: 19, 26, 30 at 40.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Higit kailan man ay mas gusto mong maging totohanan na ang matagal mo nang pinapangarap, lalo na sa love life. Panatilihing nakaapak ka sa lupa upang maiwasan ang pagkabigo. Magkakaroon ng katuparan ang ilan sa gusto mo dahil sa sipag at tiyaga. Ipasuri ang iyong cholesterol level dahil posibleng mataas ito at naaapektuhan na ang mga ugat. May problema sa pamilya o sa trabaho; maaaring masyado kang nagiging istrikto nang hindi mo namamalayan. Lucky numbers: 7, 24, 32 at 39.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Maaari kang mapaaway sa mga kaibigan dahil sa pagmamatigas. Tamang panahon para humingi ng dagdag-sahod. Pag-ibayuhin ang pakikipagrelasyon dahil baka magkaroon ng kumplikasyon o mahawa ng sakit. Gusto mong bumukod at mamuhay ng hiwalay sa mga mahal sa buhay, pero hindi mo alam ang sasabihin mo ng hindi sila masasaktan. Anuman ito, kailangang magdesisyon. Lucky number: 5, 16, 22 at 25.

Don't Miss