Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

No choice kahit masama ang loob

14 May 2016

Sa pagpirmahan pa lang ng kontrata ni Leni sa kanyang among Briton ay napagkasunduan na nilang ang kanyang day off ay araw ng Linggo. Makailang beses niya itong nilinaw para hindi sila magkaroon ng di pagkakaunawaan pagdating ng araw. May kasamang Pinay sa bahay na pinagtatrabuhan si Leni at pareho silang Linggo ang day off. Maayos naman ang ganitong kalakaran sa kanilang mga amo, kaya noong Mayo 1 at 2 na araw ng Linggo at statutory holiday ay pareho silang lumabas nang magkasunod na araw.  Makaraan ang ilang araw ay tila sumama ang timpla ng kanilang mga amo at halatang may tila ipahiwatig ito. Bandang huli ay nag-text ang among babae kay Leni para sabihing hindi ito sang-ayon na ang dalawa nilang katulong ay lumalabas nang sabay dahil wala silang makasama sa bahay sa araw ng Linggo o holiday. May iniinda umano itong sakit at ang kanya namang asawa ay laging pagod sa trabaho at gabi na kung umuwi lagi. Hindi nagustuhan ni Leni ang ganitong pananalita ng kanyang amo dahil sa halip na kausapin sila ng personal at dinaan pa nito sa pagte text. Kalaunan ay nakipag usap din ang amo sa kanilang dalawa at nilinaw nila pareho na ito ang dati na nilang napagkasunduan sa simula pa. Sinabi naman ng amo na mag-uusap silang muli, at sa susunod ay kasama na sa usapan ang asaw nito. Sa tonong nanunumbat ay binanggit pa ng among babae na mataas kaysa minimum ang kanilang sahod, at nagbibigay pa umano sila ng bonus sa kanilang mga katulong. Inulit muli nito ang nasabi na ng kanyang asawa tungkol sa kanilang day off at statutory holiday. Ayon sa kanilang amo, gusto nilang maging masaya ang kanilang mga kasambahay nguni’t dahil dito ay sila naman ang nahihirapan sa pag-aalaga ng kanilang mga anak at pag-aasikaso sa bahay kapag sabay na lumalabas ang kanilang mga kasambahay. Sa pahiwatig ng mga salita ng amo ay dapat na maging alternate ang day off nila at ganoon din kapag statutory holiday. Hindi sang ayon si Leni dito dahil ang pinanghahawakan niya ay ang kanilang usapan bago sila pumirma ng kontrata, ngunit binigyan lang sila ng isang linggo para magpasya kung papayag sa gusto ng kanilang mga amo. Walang nagawa ang dalawa kahit masama ang kanilang loob dahil alam nilang papalitan sila kapag hidi sila pumayag, lalo na si Leni na ilang buwan pa lang sa mga amo. –Jo Campos


Don't Miss