Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Mga guro sa HK hinimok na umuwi

14 May 2016

Hinimok ng mga punong guro mula sa Davao Oriental ang mga qualified na OFW na  umuwi na sa Pilipinas dahil kailangan sila doon.
Umabot sa 130 na mga myembro ng NOPTI (National Organization of Professional Teachers Inc.) ang nakipag-ugnayan sa 22 schoolheads mula sa Davao Oriental Association of Public Secondary School Head Incoported (DORAPSSHI).
Ayon naman kay Lucy Myrna Uy ang president ng DORAPSSHI, ito ang unang pagkakataon na nakipag-ugnayan sila sa grupo ng NOPT sa Hong Kong, at laking galak nila dahil nakatulong silang magbigay ng paliwanag sa mga isyung bumabagabag sa karamihang mga magulang at sa mga nagbabalak ng umuwi ng bansa upang magturo.
Sa ugnayan, na ginanap sa Kennedy Town, ipinaliwanag ni Assistant Labor Attache Henry Tianero ang tungkol sa programang SPIMS (Sa Pilipinas Ikaw ang Ma’am at Sir) ng Department of Labor and Employment.
“Inaanyayahan ang mga guro dito sa Hong Kong na umuwi na at magturo para makasama na ang pamilya,” aniya.
Ayon kay Tianero, wala na masyadong palakasan ngayon sa Department o Education (DepEd), dahil nakabase na lahat sa qualifications para makapasok sa gobyerno.
Ipinaliwanag ni Darlene F. Pacatang ng DORAPSSHI na dahil sa  programang K to 12, nagkaroon ng trabaho ang mga nakapagtapos sa kolehiyo sa larangan ng pagtuturo.
Upang makapasok bilang guro sa Junior High School, kailangang nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET).
Sa Senior High School, naman, pwedeng mag-apply para sa non-permanent position ang mga hindi pa pasado sa LET ngunit nakatapos ng BS degree. Bibigyan sila ng limang taon na maipasa ang LET upang maging permanente sa posisyon.
Kahit 45 taong gulang na ay matatanggap pa rin, basta makakapagserbisyo pa sa gobyerno ng 15 taon.
Kailangan lamang na mayroong 70 puntos sa RQA, na isang pamantayan ng DepEd sa pagtanggap ng mga gurop.
Ngunit panigurado ni Marilyn Capella ng DORAPSSHI: “Kapag naabot ang pamantayan pagkatapos ng tinatawag na ranking ay mas inuunang bigyan ng pribelihiyong magturo ang mga OFW.”
Dahil rin sa K-to-12, ang mga mag-aaral naman na hindi na kayang mag-kolehiyo ay matatanggap na sa trabaho dahil ang mga nakatapos sa K 12 ay may dagdag-kakayahan.
Dadgdag pa rito, ang K-to-12 ay mas makakatulong  sa mga pamilyang hikahos, dahil mayroong subsidy na ibibigay ang gobyerno sa pamamagitan ng voucher, upang tulungan silang makapag-aral sa mga pribadong paaralan.
Ang voucher na ito ay hindi mapupunta sa mga magulang at direktang ibibigay sa paaralang papasukan ng bata.

Don't Miss