Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

X-rated na kahihiyan

29 April 2016

Sobrang kahihiyan ang inabot ni Rose matapos ikalat sa Facebook ang malaswa niyang larawan ng umano’y naging boyfriend niya sa Hong Kong ng tatlong taon na. Nakikipagkalas na kasi siya sa boyfriend dahil may asawa silang pareho pero hindi pumayag ang lalaki kaya blinock ito ni Rose sa Facebook. Nagalit ang lalaki at ipinost ang mga litrato ni Rose na malaswa. Hindi ba nakunteno ang lalaki ay hiningan nito ng pera si Rose, at ang banta ay kapag hindi siya nagbigay ay patuloy nitong ipapakalat ang mga masagwang litrato. Nakapagbigay na ng medyo malaking halaga si Rose nang malaman niyang  nakita na ng mga kababayan niya ang mga litrato niya dahil dumaan ang mga ito sa kanilang news feed. Hindi pa sana niya alam na kumalat na ang kanyang larawan kung hindi sinabi ng kanyang kababata na narito din sa Hong Kong. Pati ang asawa ni Rose na nasa Pilipinas ay alam na din. Mabuti na lang at hindi siya hiniwalayan nito, at pumayag na lumipat na lang sila ng bahay para makaiwas sa kahihiyan. Sising sisi si Rose sa ginawa niya pero huli na ang lahat. Sa tulong ng isang kaibigan ay nag-report na lang siya sa Konsulado, at nagpatulong para makasuhan ang dating kasintahan dahil sa pagba blackmail nito at paninirang puti sa kanya. Nagpaabot naman ng babala ang Konsulado na iwasan ng kahit na sinong Pilipino, babae man o lalaki, na huwag maghubad sa harapan ng camera kapag nakikipagvideo call at huwag na huwag ding magpapadala ng malaswang litrato.
Si Rose ay mula sa dakong norte sa Pilipinas, may asawa at mga anak. – Marites Palma
Don't Miss