Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ubos biyaya kaya walang naipon

29 April 2016

Tuwing uuwi si Irma sa Pilipinas para magbakasyon ay halos isang taon niya itong pinaghahandaan. Mahilig kasi siyang magplano ng mga lakad, at talaga namang hindi mabubuo ang kanyang bakasyon kapag walang outing ang kanyang pamilya. Sa pinakahuli niyang pagbabakasyon ay sa Boracay niya napiling isama ang asawa at mga anak. Bukod pa dito ang kanilang shopping kahit may isang kahon ng pasalubong na siyang ipinadala. Laging bukambibig niya sa mga kaibigan na bakasyon grande siya kapag umuuwi. Bago ang takdang uwi ay lagi siyang namimili ng pasalubong kada day-off at unti-unti niyang iniipon ang mga ito para ilagay sa dalawang door-to-door boxes na ipapadala niya, Ilang buwan pa bago siya tumulak pauwi ay puno ng ang dalawang kahon, kaya kinailangan pa niyang magbayad para sa excess baggage sa eroplano. Tumanggi na rin siyang bitbitin ang mga padala ng kababayan. Para masigurong bongga ang kanyang pag-uwi ay nangutang pa si Irma sa isang ahensiya ng pautangan. Hindi bale na raw ang pagbabayad pagkatapos, ang mahalaga ay masaya at bongga ang bakasyon niya. Hindi niya alintana ang payo ng mga kaibigan na hindi ito praktikal dahil malaki ang mababawas sa kanyang kita buwan-buwan para mabayaran ang utang. Matapos ang isang buwan na bonggang bakasyon ay balik Hong Kong na ulit si Irma, at ngayon lang niya napilitang harapin ang katotohanan. Sa dami ng utang niya, halos wala nang natitira sa suweldo niya para ipadala sa pamilya. Gayunpaman, hindi daw niya magawang talikuran ang nakasanayan dahil lagi na itong inaasahan ng kanyang pamilya.
Nakakalungkot lang na sa anim na taong pagtatrabaho niya sa Hong Kong ay wala siyang naipon, bagkus ay baon pa sa utang.– Jo Campos
Don't Miss