Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Poe, nagbigay sorpresa sa Pamaskong Handog ng Unifil

14 April 2016

Ni Gina N. Ordona

Nasorpresa ang may 200 katao sa hindi inaasahang pagsulpot ni senador Grace Poe sa kalagitnaan ng programang Pamaskong Handog ng Unifil-Migrane sa Chater Road noong Des. 25.
Ayon kay Poe, naglalakad siya  kasama ang pangalawang anak nang makita ang kasiyahan sa gitna ng daan.  Isang kasapi sa programa ang nakapansin sa paglapit ni Poe sa isang mesa kung saan may nakasabit na banner ng Migrante. Ngunit dahil walang bantay sa mesa ay nagpatuloy na itong naglakad papunta sa malaking Christmas Tree sa katabing daan.
Matapos magkuhanan ng litrato ay binaybay na ni Poe at ng anak ang daan pabalik sa Mandarin Hotel na kanilang tinutuluyan. Pero bago sila nakalayo ay naabisuhan na si Eman Villanueva tungkol sa pagbisita ng senador kaya agad niya itong hinabol para pakiusapan na magbigay ng mensahe sa entablado. Nasa tiket ni Poe bilang kandidato sa pagka senador si Neri Colmenares, kinatawan sa Kongreso ng Bayan Muna, na ka-alyansa ng Migrante.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Poe na naiintindihan niya ang pinagdaraanan ng mga OFW dahil matagal din daw siyang nanirahan sa ibang bansa.
“Sino sa inyo dito ang nahihirapan sa dami ng mga requirements at fees? Sino dito ang gustong pasimplehin ang proseso na yan?” tanong ni Poe at sabay namang sumagot ang mga nakikinig ng, “Kami.”
Binigyang diin niya na makikipagtulungan siya sa koalisyon ng Migrante at ibang grupo para itulak kung ano ang makakabuti sa mga OFW.
“(Para) mas bumaba ang fees ninyo, na one-stop shop na lang at yung mga kailangan ninyo katulad ng health benefits ay matulungan kayo ng gobyerno,” sabi ni Poe.
Sinamantala din ni Poe ang pagkakataon na ipahayag ang pasasalamat sa mga OFW dahil malaking tulong ang dulot ng remittances nila sa ekonomiya ng bansa.
Samantala, nagkaroon ng choral competition kung saan hango sa mga isyu ng mga migrante ang tema ng kanta.
Nakuha ng Bus 13 group na kinabibilangan ng Filipino Lesbian Organization, Friends of Bethune House at Filipino Friends ang unang premyo. Kotong King ang titulo ng kanilang kanta sa himig ng Jingle Bells, kung saan binabatikos ang mga kurakot na opisyal ng gobyerno.
Nakuha ng Sta Maria De Pila Association-United Panga-sinan HK ang pangalawang puwesto at pangatlong puwesto naman ang Abra Tinguian Ilocano Society.
Sa paligsahan sa paggawa ng parol, ang mga nanalo ay Diwa’t Kabayan Benlife Society Club, unang premyo, na sinundan ng Atis at Filipino Lesbian Organization. Nakatanggap ng consolation prize ang Filipino Migrant Workers’ Union – Chater Road, Migrante Forum at Organic Clan.

Don't Miss