Ang kapatid ni Julio (Mariano Regaliza, sa tunay na buhay) na si Ana Regaliza- Datuin, na nagtatrabaho sa Amerika, ang nagbigay ng update sa kalagayan ng kapatid:
“ Julio/Marnie, is now in recovery at the ICU of St. Luke's Global City after the doctors performed the endovascular treatment or what they call the "coiling procedure". According to brainneurysm.com, a catheter is inserted into a vessel over the hip and other catheters are navigated through the blood vessels to the vessels of the brain and into the aneurysm. Coils are then packed into the aneurysm up to the point where it arises from the blood vessel, preventing blood flow from entering the aneurysm.... This was the 1st choice in the treatment plan. the second procedure of which was the surgery if the coiling didn't work. Thank God for gifting the doctors with amazingly steady and crafty hands. The 1st plan was successful. Julio is now in ICU under observation. He will remain there for 1 week since his condition is still considered critical. Thank you all for your prayers. Please continue to pray for my brother's complete and perfect healing.”
Nakalikom na na ng USD8,627 (Php 397,721) si Anna mula sa mga nag-donate sa gofundme, isang popular na fundraising website sa Amerika, na ipinadala niya sa pamamagitan ng kanyang anak na siyang nag-aasikaso kay Julio at nakikipag-usap sa ospital. Ang mga naging kasamahan sa showbiz ni Julio, sa pangunguna nina Cherrie Pie Picache at Gina Alajar, ay nag-organisa naman sa kanilang Viber group ng 4forJulio fundraising campaign para humiling ng tig-Php4,000 na kontribusyon bawat isa. Target nila ang makalikom ng isang milyong piso na kinakailangan sa operasyon. Pero, mas malaki pa rito ang ibinigay ng ilang mga artista gaya nina Robin Padilla, Coco Martin, Harlene Bautista, Jaclyn Jose, at director Dante Mendoza at Mario Delos Reyes na kaagad nagpahatid ng tulong. Balitang mahigit Php700,000 na ang nalikom as of April 11, at marami pa ang inaasahang tutulong.
Ilan sa mga nagawang pelikula ni Julio ay ang Blood Ties, Serbis, Sakay, Bayani, Takaw Tukso, Flor Contemplacion Story at marami pang iba. Marami na rin siyang nalabasang TV shows sa ABS CBN, GMA at TV5, na ang pinakahuli ay sa Dear Uge, sa taong ito.
PIA, NASA BAGONG STAMPS
Ilalabas ng Philippine Postal Corporation (PPC) ang commemorative stamps para kay Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas sa April 15, upang koronahan ang bagong mapipiling Bb. Pilipinas-Universe sa April 17.
Limitado lang ang bilang ng mga special stamps (101,000 pcs) na mabibili sa halagang Php15 bawat isa, at may 5000 piraso rin ng souvenir sheets na tig-Php40 ang bawat isa. Nakalarawan sa stamps ang official winning moment niya sa Miss Universe.
Ilan sa mga nagbigay karangalan din sa bansa na nabigyan ng special edition stamps ay sina Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Miss Universe 1973 Margie Moran, Miss World 2013 Megan Young at world boxing champion Manny Pacquiao.
KC, NAG-RENEW BILANG KAPAMILYA
Muling pumirma ng kontrata bilang Kapamilya si KC Concepcion kaya muli siyang mapapanood bilang TV host at drama actress sa istasyon. Isa sa mga una niyang gagawin ay ang pagho-host ng Bb. Pilipinas beauty pageant, at magiging co-host niya si Xian Lim. Nakatakda rin niyang gawin ang isang “telesine” at napapag-usapan din ang paggawa nya ng pelikula, pero hindi pa raw niya ito pwedeng ipagsabi hangga’t hindi pa ito kumpirmado. Nang tanungin kung handa siyang gumawa ng project na kasama si Piolo Pascual na dati niyang boyfriend, sinabi niyang okay naman sila ni Piolo, pero kailangang pag-usapan muna itong mabuti.
“Dapat pareho kaming 100% kasi ang hirap na hindi, dahil unfair din naman iyon sa mga manonood. Makikita din sa camera iyon. Right now, I just want to focus on the things na nakakapagpa-happy sa akin, the things that I want to do right now. If the Piolo project comes, then we’ll see. But I have to feel that, even he is 100% in it,” dagdag pa ni KC, na nagdiwang ng kanyang 31st birthday noong April 7.
Tungkol sa kanyang inang si Sharon Cuneta, ayaw daw niyang makatrabaho ito dahil kakabahan lang daw siya, at ayaw niyang maging parang reality show ito, na pinapanood ang buhay nila. Sinabi na nga raw niya sa mama niya na ayaw niyang umarte sa harap nito, kahit alam niyang marami siyang matututuhan dito. Makiki-sit-in na lang daw siya sa shooting ni Sharon para matuto siya.
Ang pinagkakaabalahan ni KC ngayon ay ang kanyang online shop with a cause na “KC’s Closet” na ni-launch niya noong Apr 6. Ang wish niya sa kanyang kaarawan ay maging successful ang kanyang “passion project” na naumpisahan niyang gawin noon sa online auction para sa United Nations World Food Programme (UNWFP) na kanyang sinusuportahan. Naisipan daw nilang ibenta ang kanilang pre-loved luxury goods online para sa mga gustong mag-shopping ng mga second had na branded items. Mamahalin ang mga items pero kapag nabili ang mga ito sa kcscloset.com ay bawas na ang presyo dahil nagamit na niya, at nakita na ng mga tao, gaya ng mga designer gown, at paborito niyang mga branded shoes at bags.
Lahat ng mga ito ay may sentimental value sa kanya kaya titiyaking niya na maganda itong maipi-present.
Tungkol sa kanyang love life, isa rin daw ito sa kanyang mga birthday wishes. “Sana mahanap na ako ni “the one”. Hindi ako ang naghahanap, hanapin niya ako. Sweep me off my feet”, biro pa ni KC.
Inamin ni KC na nakikipag-date siya ngayon kay Alexander Charles Luis “Aly” Borromeo, na team captain ng Azkals football team, pero kinikilala pa lang daw nila sa ngayon ang isa’t isa. Ipinakilala daw ng binata sa kanya ang mundo ng football, at may pinagkakaabalahan din daw silang ibang bagay.
FIL-AM, TANGGAPSA LES MISERABLES SA LONDON
Isa pang Pinoy, si Eva Noblezada, ang nagpapakitang gilas ngayon sa West End production ng Les Miserables sa London.
Napili siyang gumanap sa papel na Eponine, ( na dati na ring ginampanan ni Lea Salonga noong 1997) at nagsimula siya sa show noong April 4.
Kasalukuyang itinatanghal din sa Pilipinas ang Les Miserables, kung saan ay kasali si Rachel Ann Go bilang Fantine. Pagkatapos ng pagtatanghal nila doon ay magkakasama sina Rachel Ann at Eva sa London.
Sa North Carolina sa Amerika isinilang at lumaki si Eva. Isang music teacher ang kanyang ama, kaya bata pa lang ay nahilig na siyang umawit, lalo na kapag nagkikita-kita ang mga kamag-anak nilang mga Pinoy at lagi siyang pinapakanta ng kanyang mga lolo’t lola. Napili siyang gumanap sa pangunahing papel bilang Kim sa West End revival ng Miss Saigon noong 2013, noong 17 yrs old siya.
Sa susunod na taon ay muli siyang magbabalik bilang Kim sa pagtatanghal ng Miss Saigon sa Broadway.
Samantala, ang The Voice Kids, Season 2 finalist na si Esang de Torres ay napabilang din sa cast ng Les Miserables sa Manila, bilang alternate sa papel ng batang Cosette. Ang kanyang coach sa The Voice na si Lea Salonga ang tumulong sa kanya upang mag-audition para sa role, at pinalad namang napili.
ANDRE, PAHINGA MUNA SA SHOWBIZ
Magtatapos na sa April 29 ang “That’s My Amboy” TV series na pinagtatambalan nina Barbie Forteza at Andre Paras, at wala na raw extension ito gaya ng “The Half Sisters” na una nilang pinagtambalan, at tumagal ng halos dalawang taon.
Dahil dito ay nagdesisyon si Andre na magpahinga muna at magbakasyon sa Amerika, kahit kagagaling lang nila doon ng kanyang pamilya noong Holy Week, upang bisitahin ang kanyang kapatid na si Kobe, na nag-aaral at isang mahusay na basketball player doon.
Kung wala daw siyang gagawing project hanggang June ay balak muna daw niyang balikan ang kanyang pag-aaral upang makapagtapos ng kolehiyo. Alam daw niyang ikatutuwa ng kanyang amang si Benjie Paras ang balak niyang ito. Unang pumasok sa UP si Andre at naglaro sa koponan ng Fighting Maroons, gaya ng kanyang ama, pero lumipat sa San Beda noong 2014.
Napilitan siyang huminto ng pag-aaral at paglalaro ng basketball nang magkasunud-sunod ang kanyang mga project sa showbiz.
Mami-miss daw ni Andre si Barbie sa pagtatapos ng kanilang TV series dahil naging mabuting magkaibigan sila, at pati na rin ang iba pa nilang mga kasamahan na sina Kiko Estrada, Jerald Napoles, at Matet de Leon dahil naging maganda raw ang kanilang pagsasama.