Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nagbunga ang pinaghirapan

15 April 2016

Mahigit 20 taon si Precy na nagtrabaho dito sa Hong Kong at siya na ang tumaguyod ng kanyang ina at tatlong kapatid sa Pilipinas. Maagang naulila si Precy sa ama kaya’t ang kanyang ate ang bumuhay sa kanila noong bata pa siya. Pagtuntong niya ng 21 anyos ay nagdesisyon siyang pumunta dito sa Hong Kong para siya naman ang magtrabaho at magpa-aral sa kanyang dalawang nakababatang kapatid hanggang magtapos ng kolehiyo. Nang mag-asawa ang panganay niyang kapatid ay si Precy pa rin ang nagpaaral sa mga pamangkin. Ang isa niyang kapatid na babae ay nag asawa na rin at may sarili ng pamilya. Ang bunsong kapatid naman ni Precy na binata ang natakatuwang niya sa pagtulong sa kanilang pamilya. Di naglaon at napagtapos na ni Precy ang panganay na pamangkin. Umuwi siya sa Pilipinas upang magpakasal sa kanyang nobyo ngunit nabigo ito dahil naghiwalay sila matapos ang dalawang taon. Dito naisipan ni Precy na mag abroad muli. Pumunta siya sa Dubai kasama ang bunsong kapatid na doon nagtatrabaho. Makaraan ang dalawang taon ay naihanap niya ang kanyang pamangkin ng trabaho doon. Maayos naman ang naging kalagayan ng pamangkin at siya na ngayon ang nagpapaaral sa kanyang mga kapatid sa tulong pa rin ni Precy. Sa ngayon ay dalawang henerasyon sa kanilang pamilya na ang umangat ang kabuhayan dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa.Masaya naman si Precy na kahit hindi naging suwerte ang lovelife niya ay naging maayos naman ang kanyang pamilya.  –Jo Campos


Don't Miss