Napansin ng employer ni Celia na umiiyak siya.
“Why you crying?” ika ni Mrs. Li.
“My mother died this morning,” sagot ni Celia.
“I’m so sorry for you, lah. I buy you air ticket now so you can go home tonight,” agad na sabi ng employer.
Habang nagbu-book ng air ticket si Mrs. Li sa computer, biglang ngumawa ulit si Celia.
“Aiyaaa. Wah happen?” tanong ng employer.
Celia: “My sister called. She said her mother also died!”
Dobleng tama
Pumasok sa opisina ang isang lalaki na may dalawang blackeye. Napansin siya ng boss niya, kaya nag-usisa ito.
“Nasa simbahan ako noon,” ang paliwanag niya.” Nang magtayuan ang mga tao, napansin ko ang babae sa harapan ko—nakaipit sa puwet niya ang palda niya, kaya hinila ko. Aba, sinapok ba naman ako.”
“Ano naman ang dahilan ng pangalawa mong blackeye?” tanong ng boss.
“E akala ko mas gusto niyang nakaipit sa puwet niya ‘yung palda. E,’di, isinusok ko ulit.”
Ay, mali
Nursing intern ako sa isang ospital sa Maynila noon.
Isang matandang lalaki ang nakita kong handa nang umuwi, dahil nakaupo na siya sa kama at ang kanyang mga gamit ay naipasok na sa maleta sa paanan niya. Isa sa gawain naming mga estudyante ay tulungan ang mga pasyente na mag-check out, kaya nilapitan ko siya.
“Handa na po ba kayong mag-check out?” tanong ko.
“Oo,” sagot niya.
“Sakay na po kayo sa wheelchair,” ika ko.
“Hindi na, kaya ko namang maglakad na,” sagot niya.
“Hindi po pwede yan. Regulasyon po sa ospital na ito na naka-wheelchair ang lahat na mag-check out,” sabat ko naman.
Nang nasa Cashier na kami sa ibaba, napansin kong wala siyang sundo. “Mag-isa lang po ba kayong uuwi niyan?” tanong ko.
Ang sagot niya: “Kasama ko yung asawa ko. Nagsi-CR lang siya noong sinundo mo ako sa kwarto. Siya ang pasyente.”