Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Mga regular na bumoboto

16 April 2016

Nakakatuwang pagmasdan ang mga OFW na sa tinagal-tagal nila sa Hong Kong ay hindi pa rin nakakaligtaang bumoto. Ni minsan ay hindi sila pumalyang magpunta sa Bayanihan Centre para bumoto tuwing halalan.
Evelyn Gavarda
Isa dito si Evelyn Gavarda, 63 taong gulang at 26 taon na sa Hong Kong. Ayon sa kanya masayang masaya siya kapag dumarating ang halalan dahil nararamdaman niya ang kanyang pagka Pilipino. Sana raw ay ganoon din ang pagpapahalagang ibigay ng kanyang mga kapwa Pilipino sa pagpili ng kanilang mga susunod na lider. Dagdag pa niya, mas maayos daw ang daloy ng botohan ngayon keysa sa mga nakaraang halalan.
Mercy Fullido
Kabilang din sa mga may edad na bumoto si Mercy Hirika Fulido, 61 taong gulang, taga Bohol,  at 29 taon nang naninilbihan sa iisang amo sa Hong Kong. Kahit ang pabugso bugsong ulan noong Abr 10, unang Linggo ng botohan, ay hindi naging hadlang para magtungo siya sa Bayanihan para bumoto. Naniniwala daw kasi siya na mababago ang sistema ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagboto.
Luz Ollanas
Si Luz Ollanas, 60 taong gulang at 22 taong nang malayo sa pamilya, ay kabilang din sa mga bumoto noong araw na iyon. Naniniwala daw siya na kapag nanalo ang ibinoto niya ay magiging maayos ang paliparan, mawawala ang corruption, at magiging maayos na ang bansa. Nagmula si Ollanas sa Las Pinas.
Kabilang din sa mga masisagig na bumoto sa araw na iyon si Maria Tiongsin 62 taong gulang, at 21 taon nang nagtatrabaho sa ibang bansa. Kasiyahan daw niya ang bumoto, kahit mukhang hindi masyadong popular ang kanyang napiling presidente. Ngunit kahit mag-isa lang daw siyang bumoto sa kandidato niya ay masaya pa rin siya dahil malaya niyang naipahiwatig ang kanyang saloobin. – Marites Palma

Don't Miss