Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Luho

14 April 2016

Nitong huling uwi ni Gloria sa Pilipinas ay walang ibang kahilingan ang anak na pasalubong kung hindi hoverboard. Medyo may kamahalan na luho para sa 12 taong gulang bata pero pinagbigyan ng Gloria ang anak. Sa kanyang pag-iikot sa Mong Kok ay may nakita siyang mura kumpara sa presyo nito sa Pilipinas kaya binili na niya. Pero hindi niya ito nadala pauwi dahil tinanggihan siyang i-check in ito sa eroplano. Ganun na lang ang pagkadismaya ng anak niya nang dumating siya na hindi dala ang pasalubong. Ayaw nitong tanggapin ang  paliwanag niya at dahil ayaw niyang sumama ang loob niya ay pikit-mata siyang bumili ng isa pang hoverboard sa Pilipinas. Habang ikinukwento ni Gloria ang nangyari sa kasama niyang si Mila ay hindi nito napigilang magbigay ng unsolicited advice. Hindi daw kasi dapat na ibigay ang lahat ng kahilingan ng mga anak lalo na kung hindi naman kailangan ang hinihingi. Pero sumagot si Gloria na hindi naiintindihan ni Mila ang ginawa niya dahil wala naman itong anak. Para hindi mauwi sa debate ang kanilang pag-uusap ay iniba na lang ni Mila ang usapan. Si Mila ay taga-Cebu at taga-Bohol naman si Gloria. ---Gina N. Ordona


Don't Miss