Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Kakaiba ang paniniwala

15 April 2016

Ngayong panahon ng eleksyon, marami ang nagkakasalungat ng mga opinyon, sa pamilya man o magkakaibigan. Hindi rin nakaligtas ang magkakaibigang sina Aida, Nene, Mary at Nita sa ganitong sitwasyon. Pawang matatagal na dito sa Hong Kong ang magkakaibigan at ilang eleksyon na rin ang kanilang pinagdaanan. Ngunit tila sa eleksyong ito lang sila magkakasalungat ng paniniwala. Sina Nene, Mary at Nita ay iisang partido at kandidato ang kanilang sinusuportahan ngunit taliwas ang paniniwala ni Aida. Isa ito sa madalas nilang pagtalunan dahil iginigiit ni Aida ang kanyang paniniwala at pati na rin ang kanyang “manok”. Sagot naman ni Nita, hindi nila tinatawag na manok ang kanilang kandidato dahil hindi umano ito hayop. Tinanong naman ni Nene si Aida kung makakapagbigay siya ng isang magandang dahilan kung bakit ang kandidato bilang presidente na kanyang “manok” ang pinili niya. Sinagot siya ni Aida na “para maiba lang”. Agad namang sumagot si Nene na hindi katuwiran ang sinabi ni Aidam na sinang-ayunan naman ni Nita, at ganun din si Mary. Ngunit dahil tila sarado ang isipan ni Aida ay hindi na nagpumilit ang tatlong kaibigan dahil mahirap nga naman ipagpilitan ang tamang desisyon sa isang baluktot na paniniwala. Batid din nilang hindi makakabuti sa kanilang pagkakaibigan kung mawawala ang respeto nila sa isa’t-isa. Ang kanilang usapan, ano man ang kahinatnan ng eleksyon, sino man sa kanilang mga kandidato ang manalo, mananatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan. –Jo Campos


Don't Miss