Nanalo sina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales bilang best
actress at best actor para sa kanilang pelikulang “Walang Forever” sa Metro
Manila Film Festival (MMFF) 2015 awards night na ginanap noong December 27 sa
Kia Theater. Napanalunan din ng naturang pelikula ang best picture, best story
at best screenplay.
Naging emosyonal si Jennelyn sa pagtanggap ng kanyang award, at
pinasalamatan niya ang kanyang producer at director ng kanyang peliku
la na siya
ring gumawa ng “English Only, Please” noong nakaraang taon, na nagpanalo rin sa
kanya bilang best actress.
Ang baguhang aktres at TV star na si Maine Mendoza (kilala bilang
Yaya Dub ng AlDub tandem) ay nanalo bilang best supporting actress sa kanyang
unang pelikulang “My Bebe Love”, na inaasahang magiging top grosser sa MMFF.
Nanalo bilang best director si Erik Matti, best supporting actor
si Tirso Cruz III, at si Krystal Brimmer naman ang best child performer, para
sa pelikulang “Honor Thy Father”.
Bago ang awards night, napabalita na na-disqualify ang pelikulang
pinagbibida-han ni John Lloyd Cruz para sa kategoryang best picture dahil
nilabag daw nito ang patakaran ng MMFF na ang mga pelikulang kalahok ay
kailangang hindi pa naipalabas sa mga sinehan bago ang festival. Hindi napasama
sa walong kalahok na unang napili para sa MMFF ang "”Honor Thy Father” (o
kilala rin sa titulong Conman), pero dahil umatras ang pelikulang “Hermano
Pule” dahil sa kakulangan ng budget, ipinalit ito.
Napiling second best picture ang “Buy Now, Die Later”, at third
best picture ang “My Bebe Love”.
Inihayag din ang apat na pelikulang nangunguna sa takilya sa
unang tatlong araw ng festival: “My Bebe Love”, (Php 159 milyon), “Beauty and
the Bestie” (Php 131 milyon), “Walang Forever”, (Php 36 milyon); at Haunted
Mansion” (Php 29 milyon). Wala pa raw ibinigay na figures ang ibang pelikulang
kalahok.
Ang iba pang nanalo:
Best Float: “Buy Now, Die Later”;
FPJ Memorial Award for Excellence: “Walang Forever”;
Gatpuno J. Villegas Cultural Award: “My Bebe Love”
Short Film Best Picture: “Mumu”
Best Animation Film: “Momento”
New Wave Animation Special Jury Prize: “Lights Lights”
New Wave Full-Feature Special Jury: “Toto”
New Wave Full-Length Best Supporting Actress: Bibeth Orteza
(“Toto”)
New Wave Full-Length Best Actor: JM De Guzman (“Tandem”) &
Francisco Quinto (“Ari”)
New Wave Full-Length Best Director: John Paul Su (“Toto”)
DGPI, UMALMA SA PAGKA-DISKUWALIPIKA NG HONOR THY FATHER
Kinondena ng Director’s Guild of the Philippines (DGPI) ang
pagkaka-disqualify ng pelikulang “Honor Thy Father” para sa best picture
category sa MMFF 2015. Sa isang pahayg na inilabas nila sa kanilang Facebook
page, hindi raw malinaw ang naging desisyon ng MMFF executive commission.
“The MMFF gave a technical justification for the disqualification
that begs the following questions: Since MMFF already knew of the opening film
screening of Cinema One Originals, why wasn’t it disqualified early on? Or at
least given notice that they could be disqualified from MMFF if they pursued
the invitational screening? And why was the disqualification declared only a
day before the awards night?”
The DGPI also considers the disqualification an “injustice,”
calling on fellow film workers to “stand united and remain vigilant against all
forms of injustice.”
“The DGPI stands against arbitrary and unfair practices in the
MMFF; we demand fair play, we demand transparency, and we demand change.”
Samantala, ang producer ng pelikula na si Dondon Monteverde ay
nagpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa kanilang pelikula at nakiisa sa
kanilang ipinaglalaban at dumulog sa Kongreso sa pamamagitan ni Cong. Dan
Fernandez para imbestigahan ang mga pangyayari.
MAINE, SA PANALO:
BAKIT AKO?
Tinalo ni Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub ang mga mas matatagal
nang artistang sina Iza Calzado
(“Haunted Mansion”) at Nova Villa (“All You Need is Pag-Ibig”), para sa best
supporting actress sa MMFF. Dahil hindi inaasahan, gulat na gulat daw si Maine
nang matanggap niya ang balita habang nagbabakasyon sa Japan kasama ang kanyang
pamilya.
Ang kanyang reaksyon: “Bago pa ako i-bash ng sambayanan, mauuna
na ako. Bakit ako? Pero maraming salamat po! Magandang umaga sa lahat!”
Bukod sa kanyang award, namamayagpag sa takilya ang kanilang
pelikulang “My Bebe Love” na muling nagpanumbalik sa pagiging box office king
and queen nina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas. Pero, kung tutuusin, ang
tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine ang dahilan kaya patuloy na
dinudumog ng fans ang kanilang pelikula. Balitang walang sawang nanonood ng
paulit-ulit ang kanilang fans dahil kilig na kilig sila sa dalawa.
MISS UNIVERSE: TAPUSIN NA ANG AWAY
Sa gitna ng kontrobersyang idinulot ng malaking pagkakamali ng host
ng katatapos na Miss Universe 2015 napinanalunan ni Pia Wurtzbach ng Pilipinas,
sari saring pambabatikos ang lumabas. Maraming mga Pinoy ang nagalit sa naging
host ng pageant na si Steve Harvey dahil nauna niyang tinawag na Miss Universe
si Ariadna Gutierrez ng Colombia, bago ito binawi makaraan ang ilang minuto,
at ito idineklarang ang Miss Philippines
ang tunay na nanalo. Agad na humingi ng dispensa si Harvey, kasabay sa
pagpapakita ng cue card kung saan makikita ang opisyal na resulta. Nadamay sa
inis ng mga Pinoy ang ibang mga kandidata na nagpakita ng suporta kay Miss
Colombia at kagaspangan ng ugali at pambabasatos kay Pia.
Sa gitna ng kaguluhan ay umani ng paghanga si Pia sa ipinakita
niyang pagiging kalmado, at ngayon nga ay humihiling siyang tapusin na sana ang
away.
“Arguing and sending hateful messages to each other defeats what
the Miss Universe pageant stands for, which is about ‘uniting empowered women
from all over the world.
Sa ngayon ay excited na raw siya na umpisahan ang kanyang mga tungkulin
bilang Miss Universe. Ipinahatid rin niya kay Miss Colombia ang mensaheng ito:
"You are an amazing woman and we are now bonded together forever by a
unique experience.
Ang unang Pilipinang nanalo bilang Miss Universe (1969) na si
Gloria Diaz, ay nagsabi na dapat daw na idinemanda si Harvey sa ginawa nitong
gulo. Si Margie Moran, na pangalawang Miss Universe (1973) ng bansa, ay nagsabi
naman na ninakaw kay Pia ang “glory of that moment.. It was unfortunate, but
she won. That’s all that matters really.”
Ang higit na ikinahanga ng mga Pinoy kay Pia ay ang pagiging
masigasig nito upang makamit ang kanyang gusto. Bata pa lang ay pinangarap na
niya ang maging beauty queen, at talagang gumawa siya ng paraan upang matupad
ito. Binuhos niya ang kanyang oras sa pagsasanay sa pagsagot ng mga posibleng
tanong sa beauty contest, at sa pangangalaga ng kanyang katawan
Ipinakita rin niya kung gaano siya ka-positibo sa kanyang pananaw
nang matalo sa boksing si Manny Pacquiao sa laban nila ni Floyd Mayweather,
Junior, at sinabi niyang hindi bale daw, dahil babawi ang Pilipinas sa Miss
Universe. Tatlong beses siyang sumali sa Bb. Pilipinas, at naging finalist/
runner up ng dalawang beses bago niya nakuha ang titulo, at nagkaroon ng
pagkakataon na makasali sa Miss Universe
Samantala, sa nagiging kalakaran ngayon sa mga beauty contest,
sinabi ni Gloria na noong kapanahunan niya ay hindi uso ang mga training o
plastic surgery. Ni hindi nga raw niya ma-imagine sa sarili na siya ay isang
beauty queen . Wala raw botohan mula sa
manonood, kundi simpleng you win or you
lose mula sa mga judges.
Ayon naman kay Margie, wala rin daw silang training noon. Siya
raw ay model at nakasayaw na sa CCP at Meralco Theatre kaya marunong na siyang
lumakad nang maayos at mag-project. Nag-work out at nagpa-tan daw siya bago
tumulak papuntang Athens, Greece para sa Miss Universe. Nagbasa rin daw siya ng
tungkol sa current events. Mas simple lang daw noon.