Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Malungkot na balita

29 April 2016

Mangiyak-ngiyak si Norma sa balitang hatid ng kanyang amo. Hindi niya inaasahan na sa pagtatapos ng kanyang kontrata ay sasabihan siyang kailangan niyang humanap ng bagong amo. Na promote daw kasi ang kanyang amo at kailangan na nilang lumipat sa ibang bansa kung saan ito made-destino. Laking gulat ni Norma dahil ito pala ang dahilan kung bakit tila aligaga ang mag-asawang amo niya kamakailan, at tila nagsesenyasan. Maya-maya ay lumabas ang kanyang among lalaki dala ang kanilang kontrata, at naisip ni Norma na malamang na pipirma na sila ng para sa pangatlong kontrata nila. Kampante kasi siyang hindi siya papalitan ng mga ito dahil maayos ang kanilang samahan. Dahil sa balitang natanggap ay natulala si Norma, lalo at sinabi sa kanya ng mga amo dati na wala silang balak na umalis sa Hong Kong hanggang lumaki ang kanilang anak. Ngayon ay namomoroblema si Norma dahil sa July na ang tapos ng kontrata nila, at ito rin ang takdang pag alis ng kanyang mga amo. Baka raw kasi magahol siya sa panahon para maghanap ng bagong amo. Gayunpaman, nag-umpisa na rin siyang humanap ng malilipatan. –Jo Campos

Don't Miss