Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Bagong pag-asa

14 April 2016

Gaya ng nakaugalian, tayo ay humaharap sa bagong taon na umaasa sa mas magandang hinaharap. Likas ito sa Pilipino.
Halimbawa, sa isang survey ng Asia Pulse,89% ng mga Pilipino ang nakatingin sa 2016 na may pag-asang mas gaganda ang kabuhayan.
Sa survey naman ng Social Weather Stations noong Disyembre, lumalabas na 72% ang umaasang masaya ang kanilang Pasko, sa kabila ng mga nakaraang delubyo at bagyong tumama sa bansa.
Maraming bagay ang pinagmumulan ang ganitong pagtingin ng nakararami.
At ayon sa presidential spokesman na si Edwin Lacierda na sana, dahil sa positibong pagtingin na ito, ay magpursigi pa ang kanyang kasamahan sa pamahalaan na pagsilbihan ang bayan. Na inaasam din ng mga maka-administrasyon na makatulong sa kanilang kandidatura.
Ayon sa mga eksperto, mas magandang taon ito para sa Pilipinas kaysa sa 2015. Una sa pinagbabatayan ng kanilang konklusyong ito ay ang epekto ng eleksiyon sa ekonomiya.
Kagaya ng mga nagdaang taong may eleksiyon, ang paglaki ng ekonomiya ay tataas ng isa o dalawang persentahe (percentage points sa Ingles) dahil sa mga gastos ng mga kandidato sa kani-kanilang kampanya. Ang mga gastos na ito na bumubuhos sa TV commercial, libu-libong tauhan, ga-bundok na pulyeto at iba pang pampabango ng kanilang pangalan ay bilyon-bilyong piso ang halaga.
Isa pang kategorya sa ekonomia ay ang pagtaas ng ginagastos ng pamahalaan.
Sa pambansang budget ay pasok ang ilang malalaking proyekto na ngayon lang nakakuha ng pagsang-ayon mula sa iba’t ibang sangay ng gubyerno. Dagdag pa rito ang dagdag-suweldo sa mga empleyado ng gubyerno. Siyempre, hindi maiaalis ang hinala na ginagawa ito bilang pampabangi sa kandidato ng administrasyon.
Pero kahit saan galing ang perang ito, ito ay isa sa magandang epekto ng demokrasya   sa maraming mamamayan na naaambunan, kasama na ang mga mahihirap na nagsisikap kumita. Ang paglipat-lipat ng pera mula sa nagbabayad at binabayaran, ay dagdag na perang umiikot sa ekonomiya.
Sana nga lang, ang ganitong pagsigla ng ekonomiya sa 2016 ay maging normal at hindi nangyayari tuwing ikatlong taon lamang.

Don't Miss