Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

WhatsApp hotline, maaring gamitin pag nagkaproblema sa ibang bansa

04 April 2023

 

Tauhan ng AHU sa Immigration Department

Sinimulan ngayon ng Immigration Department ang isang serbisyo na magpapadali sa paghingi ng saklolo kung sakaling magkaroon ng problema ang isang naninirahan sa Hong Kong habang ito ay nasa ibang bansa.

Ito ay ang 1868 WhatsApp Assistance Hotline na bukas sa lahat ng mga residente sa Hong Kong, kabilang ang mga OFW na may employment visa.

 

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Ang serbisyong ito ang ipinalit sa WhatsApp hotline 5190 8909 na ginamit ng Immigration upang makatulong sa mga taga-Hong Kong na nabiktima ng mga job scam sa ibang bansa nitong mga nakaraang buwan.

Ang Hotline ang magiging tulay upang makahingi ng tulong sa Assistance to Hong Kong Residents Unit (AHU) ng Immigration, gamit ang WhatsApp. 

May tatlong paraan para ma-kontak ang AHU:

PINDUTIN PARA SA DETALYE

·        Magpadala ng mensahe o tumawag sa (852) 1868 na gamit ang WhatsApp.

·        Kumontak sa pamamagitan ng internet na gamit ang WhatsApp. Pindutin lang ito: http://wa.me/message/IGSJWR2HF5PZI1?src=qr .

·        Buksan ang website kung saan pwedeng mag-iwan sa AHU ng mga detalye ng problema at personal na impormasyon, upang sila ay ma-kontak. Pindutin ito: https://webapp.es2.immd.gov.hk/ahu-client/#/form-module/form?lang=en-US&svcId=807&applicationId=807&formId=General.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang impormasyon na makukuha mula sa website ay makakatulong sa pagtukoy ng tamang tulong at saan magmumula ang tulong – kung sa Immigration, sa ibang sangay ng gobyerno, o mga pribadong organisasyon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa Immigration, tinitingnan din nila ang paggamit ng iba pang social media channel upang mas padaliin pa ang pag-konekta sa AHU. 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Don't Miss