Ni Daisy CL Mandap
Napuno ang Konsulado sa kauna-unahang pulong dito pagkatapos ng pandemya |
Kaisa ng mga migranteng manggagawa ang Department of
Migrant Workers sa kagustuhan na tanggalin na ang overseas employment
certificate o OEC.
Ito ang sinabi ng mga opisyal ng DMW na nakipulong
sa mga lider ng Filipino community sa Hong Kong nitong Linggo, ika-16 ng Abril.
Ayon kay Undersecretary for Finance and Internal
Affairs Anthonette Allones, mismong si Secretary Susan “Toots” Ople ay gustong
tanggalin ang OEC, lalo na nung makita niya ang mahabang pilahan para dito
noong bago mag Pasko.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
“Nightmare ito (OEC), sabi ni Allones, dahil
kinailangan pang papuntahin pa dito ni Secretary Ople ang ilan niyang opisyal
sa Hong Kong noon para humanap ng paraan na mas mapadali ang pagkuha nito ng
mga OFW (overseas Filipino workers).
Pero sa kanilang pagtanong-tanong ay nalaman daw nila
na inumpisahan ang OEC dahil may mga OFW na madaling mabiktima ng illegal
recruitment o human trafficking kaya kailangan na siguraduhin na ang bawat
lumalabas na manggagawa sa bansa ay may kontrata ay visa.
Pindutin para sa detalye |
Nang tanungin naman ni Allones ang mga lider sa pulong kung paano mapoprote
ktahan ang bawat OFW na lumalabas kung walang OEC,
sinabihan siya ng mga lider na may pasaporte naman at kontrata na pwedeng
tingnan bago sila umalis.
Napangiti si Consul General Raly Tejada sa paliwanag ni Allones |
“Pare-pareho tayo ng sinabi,” sabi naman niya. Ang
direksyon daw talaga ng DMW ngayon ay kung paano matatanggal ang dokumentong
ito, na hinihingi bago makaalis ng bansa ang isang OFW at masiguro na may legal
na trabaho siyang pupuntahan.
Ayon naman kay USec Patricia Yvonne Caunan, layon ng
DMW na pagaanin ang mga pasanin ng mga OFW kaya naghahanap sila ng mga paraan
para masuri ang estado ng bawat paalis na manggagawa nang hindi na dadaanin sa
OEC.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kaya daw pumunta silang mga opisyal sa HK ay para
makipag-usap sa mga OFW na nandito at makuha ang kanilang mga opinyon at
suhestiyon kung paano mapapahusay ang serbisyo ng gobyerno sa kanila.
Sinabi din niya na laging bukas ang DMW sa mga OFW
para pag-usapan ang mga isyu na may kinalaman sa kanilang pagtatrabaho, at
nag-alok pa siya ng buwanang pakikipag-usap online sa mga Filcom lider dito
para sa mas agarang mahanapan ng solusyon ang anumang problema.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sinagot ng dalawang opisyal ang mga tanong na
inilatag ni Dolores Balladares, tagapangulo ng United Filipinos in Hong Kong,
tungkol sa pagtatanggal sa OEC na aniya ay siyang pinakaasam-asam ng mga OFW
ngayon.
Kasama din dito ang pagpapatigil ng koleksyon ng
sapilitang bayarin sa mga OFW katulad ng PhilHealth, Pag-IBIG, SSS at mandatory
insurance, na pilit ikinakabit sa OEC.
Layunin ng DMW na pagaanin ang dinadala ng mga OFW, ayon kay Caunan |
Ayon naman kina Allones at Caunan, suspendido pa rin ang pangongolekta para sa PhilHealth at iba pang bayarin dahil naiintindihan ni Secretary Ople ang saloobin ng mga OFW tungkol dito.
Pero nang sabihin ni Allones na voluntary lang ang
pagbabayad ng membership sa Overseas Workers Welfare Administration ay naging
madiin ang pagtanggi ng mga lider.
Hindi raw ito totoo dahil hindi pumapayag ang Office
for Migrant Workers (dating Polo) na i-verify ang mga kontrata ng mga OFW dito
nang hindi muna sila nagbabayad ng membership sa OWWA, kaya ang labas ay
nadodoble pa ang pangongolekta para dito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Karamihan naman ng mga tanong at reklamo ay
patungkol sa OWWA, mula sa ipinangakong ayuda para sa mga nagka Covid-19 na
hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigay, hanggang sa hindi maayos na
pamamahagi ng tulong sa mga taga Abra na nasalanta ng bagyo noong nakaraang
taon.
Nangako naman si Deputy Administrator Honey Quino na
pag-aaralan kung paano maibibigay pa rin ang mga ipinangakong ayuda sa mga
naimpeksyon ng Covid-19.
Yun naman daw nangyaring pagbagal ng serbisyo nila sa mga tinamaan ng bagyo sa Abra ay dahil nagkaroon sila ng problema sa koneksyon noon. Matatandaan na mismong si Usec Hans Cacdac ang bumisita sa Abra noon para pangasiwaan ang pamamahagi ng ayuda.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |