The SUN
Humarap sa Shatin Court ang 2 Pilipina na may kasong paglabag sa Immigration Ordinance |
Isang Pilipinang domestic helper ang pinatawan ng
suspended sentence sa Shatin Magistracy kanina, matapos umamin na hindi niya
ipinarating sa kinauukulan ang pagpalit niya ng pangalan bago kumuha ng bagong Hong
Kong ID card.
Si Maria Marivic Murillo Blazado, na gumamit din ng pangalang
Maria Marivic Lolybel Alano Murillo, ay sinabing may tatlong HKID card, ngunit
hindi nilinaw kung bakit kinailangan niyang magpalit ng pangalan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa kanyang pagharap kay Mahistrado David Cheung,
inamin ni Blazado ang sakdal, samantalang binawi naman ng tagausig ang isa pang
kaso ng sadyang pagbibigay ng maling impormasyon sa isang Immigration officer.
Hiniling ng kanyang abugado sa mahistrado na patawan si
Blazado ng pinakamagaang na sentensya dahil inamin naman niya agad ang
paratang.
Dagdag pa ng abugado, suportado ng kanyang employer si
Blazado at nais na ipagpatuloy pa nito ang paninilbihan sa kanila kaya hindi
pinutol ang kanyang kontrata. Anim na taon na daw nagtatrabaho sa amo ang
nasasakdal bago nakita ang magkaiba niyang pangalan sa kanyang HK ID.
Bilang tugon, sinabi ni Mahistrado Cheung na ibababa
niya sa dalawang buwang pagkakakulong ang sentensiya niya kay Blazado, pero
isususpindi ito ng 24 buwan. Ibig sabihin, ikukulong lang siya sa panahong
itinakda kung lalabag siyang muli sa batas sa loob ng susunod na dalawang taon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pinagmulta din siya ng $1,000.
Samantala, isa pang Pilipina na nahaharap sa tatlong kaso ng paglabag sa batas ng Immigration ang hindi nakarating sa Shatin Court kanina dahil naka quarantine diumano sa kulungan bilang “close contact” ng isang nag positibo sa Covid-19.
Dahil dito ay ipinagpaliban ni Mahistrado Cheung sa
ika-24 ng Nobyembre ang pagdinig sa hiling ni Magdalena B. Bang-asan na payagan
siyang magpiyansa. Itinakda naman sa ika-21 ng Disyembre ang pagdinig kung
aamin ba siya o hindi sa mga sakdal sa kanya.
Press for details |
Si Bang-asan ay nahaharap sa tatlong kaso.
Una, ang pagbibigay ng maling impormasyon sa isang
Immigration officer bandang Dec 14, 2021 tungkol sa pagtatrabaho diumano niya
sa isang nagngangalang Ho, Lai Fung Becky.
Pangalawa, ang muling pagsisinungaling sa Immigration
tungkol sa kanyang pekeng amo para mabigyan ng domestic helper visa noong Feb.
10, 2022.
BASAHIN ANG DETALYE |
Pangatlo, ang pananatili sa Hong Kong ng lampas sa 14
araw pagkatapos na putulin ang kanyang kontrata noong Feb. 19, 2022, hanggang
mahuli ang kanyang paglabag sa kundisyon ng kanyang visa noong May 4, 2022.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |