Responsive Ad Slot

>
Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Babae nahulog sa bintana habang nagsasampay; mga OFW pinag-iingat

22 May 2022

 

Ipinagbawal ang paglilinis ng bintana ng domestic helper mula pa noong 2017.

Pinag-iingat ang mga OFW sa pagsasampay ng mga nilabhan sa labas ng kanilang bintana upang maiwasan ang nangyari sa isang residenteng nahulog mula sa kanilang bahay sa Ho Man Tin nitong Sabado.

Ayon sa anak nito, nagsasampay ang isang 66 taong gulang na babae ng mga nilabhan sa laundry rack sa kanilang bintana nang madulas ito at mahulog.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Natagpuan ng mga emergency worker ang babae na nakahandusay sa podium ng  Kwun Shing House, Kwun Tak Court, sa Ho Man Tin.

Patay na nang daldhin ito sa ospital.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa data mula sa Labout Department, ang pagkahulog ay isa sa mga pangkaraniwang aksidenteng nagsasanhi ng pagkamatay o pinsala sa katawan ng mga manggagawa sa Hong Kong.

Mayroong malawakang kampanya ang Occupational Safety and Health Council para sa mga kumpanya  na siguruhin na ang kanilang mga empleyado ay sumusunod sa mga patakaran upang maiwasan ang ganitong aksidente.

BAN ON FLIGHTS FROM THE PHILIPPINES LIFTED ON APRIL 1. BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ito rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng patakaran mula pa noong January 2017 para sa mga domestic helper tungkol sa paglilinis ng labas ng mga bintanang mula first floor pataas.

Ayon sa patakaran, pwede lang utusan ng mga employer ang kanilang domestic helper na maglinis ng labas ng bintana kung mayroon silang balcony na pwedeng tungtungan, o kung wala ay dapat sumunod sa dalawang kondisyon:


·         Ang bintana ay may grille na naka-lock.

·         Walang parte ng katawan ng helper ang lalabas sa bintana kundi ang kanyang mga braso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kasama ang patakarang ito sa mga employment contract na pinirmahan ng mga domestic helper at kanilang employer.

Don't Miss