Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Matandang pasaway

03 April 2018

Abot-abot lagi sa pagkukuwento si Mona, 28, kapag ang alaga niyang matanda ang pinag-uusapaan.

Hirap na hirap daw siya dahil lagi siyang itinataboy ng matanda na 87 taong gulang at medyo mahina at bingi na. Gayunpaman, lagi daw siya nitong sinasabhan na hindi siya kailangan at ayaw siyang isama kapag lumalabas gayong ang kabilin-bilinan ng mga anak nito ay lagi niyang sasamahan.

May pagkakataon pa na dakdak ng dakdak ang matanda na parang sirang plaka. Sumasakit daw ang kalooban niya kapag paulit-ulit nitong sinasabi na ikuha na lang siya ng parttime. Lagi din daw kinukuwenta ng matanda ang kanyang kinakain, ang nagagamit na tubig pag naliligo at pati ng kuryente. Lagi daw siyang pinpatayan ng ilaw kahit alam nito na ginagamit pa niya.

Pero minsan naawa din si Mona sa matanda dahil sinasabi nito na walang kuwenta ang anak niyang babae dahil hindi siya inaasikaso at hindi niya makasundo kahit sila ay nasa ilalim ng isang bubong. Hindi katulad ng manugang niyang babae na laging dinadalaw at inaasikaso ang magulang.

Minsan, lumabas ito mag-isa at dinaklot ng tatlong ligaw na matsing ang kanyang dalang pagkain. Natumba ang matanda sa kakaiwas at pagtatangka na hindi maaagaw ang kanyang dala, kaya umuwi itong umiiyak dahil sa mga galos sa siko at tuhod.

Sa mga pagkakataong ito ay awa ang namamayani kay Mona. Pero sandali lang ay balik na naman ang matanda sa pagiging sutil. Kailangan pa niyang pilitin na hagurin ang likod para lumuwag ang plema nito, at pati pag-inom ng gamot. Mahilig din daw itong kumain ng tira-tirang pagkain kahit may bagong luto, na para bang gusto nitong magkasakit.

Pilit namang hinahabaan ni Mona ang pasensiya dahil ayaw niyang mawalan ng trabaho. Alang-alang sa kanyang apat na taong gulang na anak ay pipilitin daw niyang magtiis pa sa nalalabing anim na buwan sa kanyang kontrata. - George Manalansan

Don't Miss