Ngayong Abril ay matatapos na ang kanyang kontrata sa mga among Intsik na may anak na pitong taon at limang taong gulang at nakatira sa Kowloon, at nag-iisip siya ng mabuti kung pipirma pa siyang muli ng kontrata sa kanila.
Hindi mayaman ang kanyang mga amo, pero hindi naman din mahirap. Gayunpaman, sa halos dalawang taon niya sa kanila ay halos panay tsikwa o upo ang pinapapaulam sa kanya araw araw. Minsan ay walang sahog kundi puro tsikwa lang ang kanyang ulam kaya walang kalasa-lasa.
Sa isip niya kahit sana chicken powder man lang ang isangkap nila. Hindi naman siya mapili at ayaw magreklamo, pero sana man lang daw ay may lasa ang ipinapakain sa kanya.
Ang payo ng kanyang mga kaibigan, kung maayos naman ang pakikitungo ng mga amo sa kanya ay magtiis na lang siya at bumili ng ekstrang pagkain para hindi ganahan siyang kumain. Sa isip naman ni Emily, kung may makita siyang amo na mukhang hindi kuripot sa pagkain ay lilipat na lang siya at baka maapektuhan pa ang kalusugan niya dahil sa kulang siya sa sustansya. – Merly T. Bunda