Kahit pa pulis ang kanyang amo ay nanindigan si Elaine na hindi siya pipirma kung hindi nito palitan ang kasulatan para ipakita na ang amo at hindi siya ang nag-terminate. Hinamon pa niya ito na tumawag ng pulis kung ipipilit ang gusto.
Sa tinuran niya ang nagkatinginan ang kanyang amo at ang asawa nito, at napilitang itama ang sulat. Bago pumirma ay hiningi ni Elaine ang lahat ng dapat na bayaran sa kanya, kasama ang annual leave niya para sa 10 buwang paninilbihan. Kahit madaling araw na siyang nakababa ay hindi siya pumayag na hindi itama ang kanyang pinirmahan.
Ang nasa isip ni Elaine noong mga panahong iyon ay ang laki ng nagastos niya para lang makapunta sa Hong Kong. Tatlong beses siyang pina medical examination ng ahensya, sa halagang Php2,500 at dalawang tig Php3,000. Iyung una ang sabi ay expired na yung permit ng nag medical exam sa kanya, yung pangalawa ang sabi naman ay positive daw yung pregnancy test niya kahit alam niyang imposible ito dahil nasa probinsiya ang asawa niya at isang buwan na siya sa Maynila. Sa kagustuhang makaalis ay nagpa-eksamin siyang muli sa pangatlong pagkakataon, kasama ang dagdag na Php800 para sa pregnancy test.
Bukod dito ay pinagbayad siya ng Php16,000 para daw sa training.
Sa laki ng nagastos niya ay isinumpa ni Elaine na hindi na siya magpapaloko ulit. Kahit madaling araw na siya nakababa ay naroon pa rin ang galit, takot at inis ni Elaine. Nakadagdag pa kasi dito ang galit at paninisi ng kanyang agency dahil hindi siya pumayag sa gusto ng amo.
Matapang na sinagot ito ni Elaine na hindi siya kailanman pipirma sa maling kasulatan. Dahil sa madaling araw na, sa isang McDonald’s outlet nagpalipas ng oras si Elaine bago nagbiyahe papunta sa kanilang simbahan kung saan may shelter para sa mga naterminate.
Nang sumunod na Linggo ay pumunta siya agad sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) para ireklamo ang agency. Bukod kasi sa siningil sa kanya ay pinagbayad pa ang kanyang tiya na nandito sa Hong Kong.
Ang payo ni Elaine sa mga kababayan: huwag matakot ipaglaban ang karapatan lalo at marami namang mga tao na maaring tumulong sa iyo sa oras ng kagipitan. - Rodelia Villar