Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Walang pa ring susi kahit 6 months na sa amo

29 December 2017

Anim na buwan na si Mary sa mga amo ngunit wala pa rin siyang susi sa bahay, kaya laging malaking problema tuwing araw ng kanyang day-off. Mahigpit ang bilin ng kanyang amo na huwag siyang magpapahuli ng uwi kapag siya ay lumalabas, kaya laging on time siya sa pagbalik sa kanilang bahay, kahit na nasa Tiu Keng Leng sa New Territories pa iyon.

Ang kaso, ang mga amo ang mahilig umuwi ng gabi kaya madalas na mamuti ang mga mata ni Leni sa kakahintay sa kanila. Gaya na lang nitong nagdaang Pasko.

Bagamat gusto sana ni Mary na makasama pa ng mas matagal ang mga kaibigan sa importanteng okasyon na ito ay minabuti pa rin niyang umuwi ng maaga. Alas siyete pa lang ay nasa pintuan na siya ngunit wala ang kanyang mga amo sa bahay kaya minabuti niyang magtalungko na lang sa harap ng pintuan.

Nag message siya sa kanyang amo ngunit lumipas muna ang isang oras at 20 minuto bago ito sumagot. Sinabi nito na mag message na lang daw ito kapag pauwi na sila. Mabuti na lang at napansin siya ng kanilang kapitbahay at sinabing pumasok muna siya sa kanila dahil malamig sa labas.

Sinabi ni Mary sa amo na pinapasok siya ng kapitbahay para doon muna maghintay at umoo naman sa amo. Nahihiya man na baka nakakaabala na siya sa kapitbahay ngunit hindi sya pinayagang umalis hanggang hindi pa dumarating ang amo.

Laking pasalamat ni Mary sa kapitbahay dahil sa mabuti nitong puso, kundi ay napagod siya nang husto sa kakatayo sa labas dahil umabot sa apat na oras bago umuwi ang kanyang amo.

At kahit day off niya, alam ni Mary na papagtrabahuin pa siya ng amo pagdating nito, kaya siguradong puyat na naman siya.

Sa kabila nito ay ayaw pa rin ni Mary na mag “break contract” ng dahil lang sa susi. Ang mas mahalaga sa kanya ay nakakatanggap siya ng sahod kada buwan kaya titiisin na lang daw muna niya ang kanyang walang tiwalang amo hanggang matapos ang kanilang kontrata. Gayunpaman, gusto pa rin niyang kausapin ang kanyang amo para manghingi ng susi. —-Rodelia Villa

Don't Miss